Tagos sa lungs

Yung feeling na mas bagay talaga si girl and si guy, pero bakit naman kasi yung third party eh sobrang perfecttttttt?


After how many years, ngayon ko lang talaga naisipang panoorin ng buo ang My MVP Valentine, during the time na pinalabas siya sa GMA 7, feeling ko "eeeeewwww 5566". Pero natatandaan ko nung mga time na naabutan ko siya sa TV (reruns), nagustuhan ko yung story, and now sobrang maganda pala talaga.

Back to what I was saying, mas gusto ko talaga si Prince and Xiao Xi together, pero since nasimulan ko siyang panoorin sa umpisa, okay na din ako sa Xiao Xi-Chen Feng. Try to imagine if you were in Xiao Xi's shoes, I think you would also choose Chen Feng (okay, medyo gumagwapo na siya sa paningin ko ha, especially sa ending song nung tumatakbo siya). Kasi yun yung realidad, siguro para sa ating mga viewers mas okay si Prince kasi nasa kanya na lahat, and ako din umaasa na sana sila na lang talaga sa dulo, but then mas matimbang pa din talaga ang true love.

Yak, naparant na ako, kasi naman ang sakit lang sa eksena ng episode five. First time kasi mawitness ni Prince yung pagmamahal ni Chen Feng kay Xiao Xi, and more than Prince's heartbreak, mas nawasak ata puso ko T_________________T

Sana man lang binigyan nila ng flaw si Prince 'di ba (to think na napapangitan ako kay Tony Sun dati)?