Kwentong Brownout

Would you believe na wala man lang kaming kandila, perok/gasera, o katol man lang sa bahay kagabi nung nagbrownout?

Ang meron lang ay isang pambatang flashlight *sigh*

Anyway, pag kasi umuulan, laging tinatakpan ni mama yung butas sa may CR (I mean yung nilalabasan ng tubig). Tapos habang nasa may terrace kami nina Mama at Papa, bigla na lang namin narinig yung boses ng kapatid ko, eh di pumasok si Mama. Yun pala bumaha na sa bahay namin! Buti na lang sa may CR pa lang (medyo mababa kasi yung place na yun).
After macontain yung tubig, eh di nasa may labas kaming lahat. Si Mama and Papa ay nagpoponder kung ano yung dahilan at nagbaha (madaming basura sa likod, nagbara yung kanal, gagawa ng screen to filter the waste, at kung anu-ano pang bagay).

Nang biglang....
Nagtatawa yung kapatid ko. As in hagalpak ng tawa.

It turned out na, hindi naman pala natanggal yung pinangtakip ni Mama. Binuksan lang ni Oyo yung gripo tapos nakalimutan patayin. Buti na lang naalala niya agad kundi baka bumaha na talaga sa buong bahay namin :))

---------
Also, it amazes me how protective my Mom is of my brother (biglang nagEnglish?). I asked my mom about what she would do if she found out my brother's gotten someone pregnant. She then started on how pitiful the youngsters who have encountered such a predicament. My aunt then told her "Eh paano yan makakabuntis eh ni hindi nga nanliligaw? Wala man lang inuuwi sa bahay?"

Papa: Maguuwi ba yan ng babae sa bahay eh di nagpuputok sa galit ang ina niyan.

Ako
: Oo nga!

Papa: Naalala ko nung naguwi yan ng babae dito tapos nagalit si Mameng (nickname ni Mama)

Ako: HAHA. Oo nga. Bakit ba kulang na lang paalisin mo mama? Wala naman ginawang masama yung babae ah.

Mama
: Kuh, eh paano kung hindi na yun umalis sa bahay? Kung dito na tumira at hindi na umuwi sa kanila?!

Ako: Grabe naman! Naisip mo agad yun. As if naman magkakalakas ng loob yung babae na tumira dito. Eh sa'yo pa lang tatakbo na agad yun!

Mama: Tsaka na yung ganyan pag may trabaho na kayo.

Kahit na palaging nagsisigawan sina Mama at Oyo Boy, deep inside alam ko mahal niyan ang isa't isa! isa pang kwento ni Mama kagabi:

Mama: Hanggang nung limang taon pa yan dumedede pa sa akin yan.

Ako: Hindi nga? As in dede?

Mama
: Oo. Kahit anong gawin ko ayaw niyan uminom sa bote (unlike me na sa bote lang dumede). Kung anu-ano na nga ginawa ko, andyan yung lagyan ng luya yung *toot* para lang tumigil.

Ako: Mwahahahaha!

Mama: Pero ayaw pa din! Eh takot sa dugo eh di isang beses nilagyan ko ng lipstick yung *toot* Ayaw pa ding maniwala, lipstick lang daw yun. Eh di isang beses naligo ako tapos dala dala ko yung lipstick sa loob ng banyo, tapos nilagyan ko ng lipstick yung *toot* tapos lumabas ako at pinakita sa kanya, simula noon umayaw na yan.

Niyahaha. Nakakatawa lang yung kapatid ko nung maliit pa siya, nung mas matangkad pa ako sa kanya (unlike ngayon na 6 footer na)
---

On how manipulative I am (when we were younger, o sadyang uto-uto lang kapatid ko noon)

Papa: Nung bata pa yung mga yan pag may gustong makuha si Machay bubulungan niyan si Oyo na humingi samin

Mama: Eh di lalapit nga si Oyo tapos pag hindi kami umoo bigla yang tatakbo kay Machay pabalik.

Papa: Eh di sasabihin ni Machay, umiyak ka! Iyakan mo sila. Tapos bigla ngang iiyak yan.

Ako: Weh? Hindi nga? Sinabi ko yun?

Mama: Oo, iiyak yan ng pagkalakas lakas, hindi mo mapapatahan. UWAAAAAA UWAAAAAAAA.

Ako: Sobra naman. Lakas talaga ng toyo eh =D

Mga pinsan: WAHAHAHAHA

----

Merong mga nagsasabi na may mga magulang na swerte sa anak, and I would like to believe na swerte sina Mama at Papa sa amin ng kapatid ko. Ewan ko, nafefeel ko lang. After naming makagraduate I'm sure we'll do our best para sa kanila, para naman masuklian ang paghihirap nila para sa amin.

And I hate to admit it, pero mas reliable ang kapatid ko kesa sa'kin. Mas marami siyang alam na gawaing bahay, marunong/magaling siyang magluto at kayang kaya niyang maka-adapt sa kahit anong bagay. Niloloko ko nga siya minsan sabi ko "Magabroad ka pagka graduate mo tapos sa'yo na lang ako aasa"

MWAHAHAHAHAHA.