New flash! Angry Gay mob attacks Oxbarrio Inspector Lewis!
Well, at least for the camera only....
Akala ko naman habang ako'y rumarampa toward my beloved college for lunch na susugurin ako ng mga galit na miyembro ng Philippine Blogosphere, yun pala shooting lang ng mga kafatid.
The Morse/Lewis detective series is watched by more than a quarter of the population of this isle. Also, if you are a Jaguar aficionado, this is the show to watch. Certainly, a classic Jag is way sexier and more environmentally friendly than CSI Miami Lt. Horatio's silly Humvee.
Morse, the beloved character and the actor, died a couple of years back and Lewis has been promoted to top dog with a bright assistant with a Classics degree kuno from Cambridge to boot. To keep up with the times, the force now has an active forensics team. Hindi na dinadaan sa 'kutob' lamang.
Anyways, I guess for this episode the murder victim involves a gay academic/student/local.
Pero bakit parang out of fashion ang mga titah? Kungsabagay, may mga cliques rin ang mga mahal nating kafatid, distinguished by their dress sense. Ang aking matalik na kaibigan si Ashley, mahilig sa baduy na butete ang tiyan. May isang extra kamukha ni Mother Grace Jones! Nung nasa malayo ako akala ko nga si Grace Jones! Naku, sayang hindi sya in ferson. Yayayain ko sana mag-jamming kami.
Incidentally, I've been in no less than five movies this year! Daig ko pa si Angel Locsin noh! Aabangan ko lahat sa takilya mga pinagbidahan ko. Unang lalabas ang pelikula namin ni Elijah Wood "The Oxford Murders", sana naman hindi na-cut ang aking cameo appearance. Pucha, libre na nga talent fee ko doon alang-alang sa kapwa ko hobbit. Sino sino bang magtutulungan sa Shire kungdi kami diba?
They continued filming while I ate my lunch. The disadvantages of being in a college so loved by the camera! Sigh. As in nasa tabi ko lang yung lead star, pero siempre mas priority mga bulate ng tiyan ko. Kaya lafang ng lafang lang ako habang naka-sampung takes yata mga extra para sa isang simpleng eksena.
Hwag mamaliitin. Sa telebisyon rin nagsimula si Greengrass. Tingnan nyo siya ngayon. Bourne Films at Academy nomination. Kaya naman nag "May I introduce my fez" ako sa director kanina. Baka kelangan niya ng extra na laman lupa sa isang horror film, di ko pa kelangan special effects.
Si Lola ha, camouflage pants. Parang kagagaling lang sa Hampstead Heath. On the left naman si Grace Jones lookalike. Heto na yata ang pinaka-least fashionable na platoon ng mga bading ever. Eh mas fashionista pa get up ko kesa sa kanila eh. (Well, timeless elegance naman talaga ang Dunhill shirt with retro pants na usual kong attire.)
Para silang mga Orcs on the gates of Minas Tirith. Palagay ko mga rejects ang mga extra sa Gay Porno. Wala guwapo sa kanila eh.
Ashley, for you. Pwet ng gaffer. Daliri pa lang solb ka na! With masking tape for bondage! Imagine the possibilities!
Shet, ngayon ko lang naalala na expired na ang aking PRC ECE license. Hindi na ako pwidi tumimpla ng audio. Well, kungsabagay, wala naman gamit masyado yang PRC license namin.