Bagong Salta
Sa aking pagkaka-alam may apat na bagong Flips sa Pamantasan ng Oxbarrio ngayon iskul year. Yung dalawa na-meet ko na at nakilatis ang kanilang mga papers. Yung other two, taga-The Ateneo, di ko pa kilala. Sintomas siguro ito ng unti-unting pagbaba ng kalidad ng mga graduates. Biro mo, kung taga-Ateneo basta nalang nakakapasa dito, baka next year siguro kung sino-sino nalang ang tatanggapin. Perish the thought, baka yung Robot ng AMA baka tanggapin na rin. (Madir Ashley, hindi sa ancient colleges yung mga bago. Kakausapin ba natin sila?)
Sa awa ni Bathala, dito sa aking mahal na kolehiyo, medyo stringent pa rin ang entrance requirements. Although meron sigurong di hihigit sa bente na yaki-kadiri ang fez/ugali/arrive, majority pa rin ang mga magaganda. May mga lima na super-babes at mahigit sampu naman ang mga babes. Mmmmm. Kelangan nila ng mentoring. Buti nalang andito pa ako.....
Pa-picture kayo para may rimimbrance. Na-mimiss ko na yung mga photographers sa Burnham Park na ang kikintab ng mga coiffure dahil sa tancho pomade.
Si Totoy nag-audition yata para sa Datu Puti commercial. At grabe, ang laki na ni Mr. Clean ha.
Utol, hindi ako interesado sa iyo. Kalabitin mo nga yang magandang katabi mo para humarap dito sa camera ko.
Sabi ko kay Manong Pines Studio siguraduhing ang mga magaganda nasa harap, yung mga chaka-doodle doo doon sa likod.
May mga scandalous akong kuha from the many freshmen parties pero sa hard drive ko lang muna. Mahirap naman, baka ma-petition pa ako.