The Nashman, Pinabulaanan ang mga bintang sa kanya

Manila (via Abante): Bumalik kani-kanila lamang sa Inglatera ang batikang alaskador na si The Nashman at agad pinabulaanan ang mga nag-iinit na issue tungkol sa kanya.

Kamakailan lang ay kumalat sa Internet ang isang litrato ni The Nashman na naroroon sa isang tanyag na underground freebirthing cave. Sa nasabing picture, tila bumubukol ang kanyang tiyan, indikasyon ayon sa mga photography eksperto na siya ay nagdadalang-tao. Maraming mga kuro-kuro kung sinong nakabuntis sa kanya gayong dalawang buwang hiwalay na sila ng kanyang huling kasintahan na ngayon ay naninirahan at may bago nang partner sa Australia.

Naging usap-usapan rin ang kanyang biglang pag-alis ng walang paalam noong Biernes patungong Paris. May mga nakasaksi sa lambingan at paghahawak kamay nila ng isang non-showbiz person habang naglalakad sa Left Bank. Tila may special relationship ang dalawa. Pero ayon sa aming source ang nasabing babae ay matalik na kaibigan lamang ni The Nashman.

"Bakit hindi isinulat ni The Nashman sa kanyag blog ang detalye ng kanyang Paris Rendezvous? Usually kinabukasan, pina-publish agad nya yan sa kanyang blog dahil ina-abang-abangan yan ng kanyang mga fans. Meron ba siyang tinatago?" ani ni Cristy Fermin.

Tumangging humarap sa media kanina ang The Nashman pero nag-release agad ng statement ang kanyang manager at pinabulaanan na buntis si The Nashman. Nakaligtaan laman daw ni The Nashman ang kanyang intensive training regimen. Agad ibinahagi ng kanyang manager ang resulta ng pregnancy test....


Ang kumakalat na litrato na sinasabing pruweba ng two month na pagdadalang tao ni The Nashman.

Nagbigay agad Ang The Nashman ng urine sample.

At upang masaksihan ng lahat, ang test ay ginawa in public.

...upang alamin kung siya nga ay talagang buntis.

Ina-abang abangan ng media ang resulta.

Na lumabas na negative.

"O, ayan. Malinaw na negatibo ang resulta. Hindi buntis Ang Nashman. Sana naman tigil-tigilan na ang pang-iintriga sa kanya." dagdag ng isa nyang handler.

Tungkol naman sa napabalitang bagong girlfriend ni The Nashman na tiyak na ikalulungkot at pagseselosan ng kanyang libo-libong diehard fans, Ang Nashman na mismo ang sumagot via exclusive text: "Tito Boy, I can not confirm or deny."